Sunday, January 29, 2023

One-Minute Hirit 10: Paalala: May Jurisdiction ang ICC sa Anumang Posibleng Kaso ng Crimes Against Humanity sa Pilipinas Hanggang March 16, 2019



Mula sa description box ng video:

1. Ayon sa Article 127(2) ng Rome Statute ng International Criminal Court (https://www.icc-cpi.int/sites/default...

Its withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective. Pagsalin sa Filipino: “Ang pag-atras ay di makakaapekto sa pakikipag-kooperasyon sa Korte kaugnay ng mga imbestigasyon sa krimen at mga paglilitis ukol sa kung saan ang umaatras na Estado ay may tungkulin nang makipag-kooperasyon at ang mga ito ay nagsimula bago pa man ang petsa noong naging epektibo na ang pag-atras.” (Welcome po ang sinumang makakapagbigay ng mas angkop na pagsalin. Paki-komento na lang po sa baba at bibigyan ko kayo ng acknowledgement sakaling i-edit ko ito nang ayon sa kontribusyon ninyo. Salamat.) 2. Mula sa page 87 ng Supreme Court Decision G.R. Nos. 238875, 239483, and 240954, July 2021 (
https://sc.judiciary.gov.ph/20238/): Withdrawing from the Rome Statute does not discharge a state party from the obligations it has incurred as a member, Article 127(2) provides: “A State shall not be discharged, by reason of its withdrawal, from the obligations arising from this Statute while it was a Party to the Statute, including any financial obligations which may have accrued. Its withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective, nor shall it prejudice in any way the continued consideration of any matter which was already under consideration by the Court prior to the date on which the withdrawal became effective. A state party withdrawing from the Rome Statute must still comply with this provision. Even if it has deposited the instrument of withdrawal, it shall not be discharged from any criminal proceedings. Whatever process was already initiated before the International Criminal Court• obliges the state party to cooperate.

Friday, January 27, 2023

One-Minute Hirit 9: Isang Pagpupugay sa Ating Kapulisan sa Agarang Aksyon sa Mga Kaso nina Percy Lapid at Yvonne Chua Plaza

 


Nagluluksa man hanggang ngayon ang mga kamag-anak, kaibigan, at tagahanga ng mga pinaslang na sina Percy Lapid at Yvonne Chua Plaza, ay huwag naman nating kalimutan na bigyang-pansin at pagpupugay ang agarang aksyon ng Philippine National Police sa paghahanap ng hustisya para sa kanila. Sa kaso ni Percy Lapid, noong Oktubre ng nakaraang taon ay pinangalanan na bilang person of interest ang ngayo’y main suspect na si former BuCor Chief Gerald Bantag. Sa kaso naman ni Yvonne Chua, pinangalanan ng Police Regional Office-Davao si Brig. Gen. Jesus Durante III bilang suspect. Ang dalawang kasong ito ay patunay na kayang gampanan ng PNP ang kanilang tungkulin na resolbahin ang anumang krimen sa madaling panahon, maging ang main suspects man – guilty or not guilty -- ay mga tanyag na men in uniform din.

+ + +

  1. Kilalanin at respetuhin natin ang presumption of innocence sa ating Konstitusyon:

ARTICLE III
BILL OF RIGHTS

Section 14. (1) No person shall be held to answer for a criminal offense without due process of law.

(2) In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the contrary is proved, and shall enjoy the right to be heard by himself and counsel, to be informed of the nature and cause of the accusation against him, to have a speedy, impartial, and public trial, to meet the witnesses face to face, and to have compulsory process to secure the attendance of witnesses and the production of evidence in his behalf. However, after arraignment, trial may proceed notwithstanding the absence of the accused : Provided, that he has been duly notified and his failure to appear is unjustifiable.

2.\ 2. Kilalanin at respetuhin din natin natin ang mabilis na progreso ng pag-aksyon ng ating kapulisan sa mga kaso nina Percy Lapid at Yvonne” Chua Plaza


Monday, January 23, 2023

One-Minute Hirit 8: Ang Solusyon Ni Toni G sa Pamboboykot Laban sa Kanya (No Bashing; Analysis Lang)


Naging maugong ang panawagan – lalo na mula sa mga Kakampink - - na kanselin o boykotin si Toni G. dahil di nila nagustuhan ang political choice at career move niya noong nakaraang eleksyon. Political choice niya, BBM for president. Showbiz career move, yung maging major, major entertainer sa campaign rallies ni BBM. Kaya yung mga dating fans niya raw, na mula sa burgesya na mga Kakampink, eh di inabandona’t tinatabla na siya. Pero may alas si Toni G: at ito ang pagiging makalimutin ng mga Pinoy. Hintay lang at lilipas din ito. Eh di ba alam din ni BBM iyan? Eh yung mga human rights violation noong martial law, yung pandarambong ng pamilya niya, yung crony capitalism, etcetera ay nabaon na nga sa limot, eh itong isyu pa kaya kay Toni G?


 

Saturday, January 21, 2023

One-Minute Hirit 7: Contextualization: Kritisismo ang Tunay na Isyu ni Raffy Tulfo kay Atty. Libayan


Mula sa description box ng video:

“Ang lahat ng bagay ay magkaugnay. Magkaugnay ang lahat” - Joey Ayala At Ang Bagong Lumad

Contextualize: to think about or provide information about the situation in which something happens. Ex. When the rebellion is historically contextualized, it becomes clear that there were many factors contributing to it. (Source: Britannica Dictionary.)
May parallelisms ang pag-file ng kaso ng tax evasion ng administrasyong Duterte laban sa ABS-CBN at Rappler, at ang pagkaso ng copyright infringement laban kay Atty. Ranny Randolf B. Libayan: ang mga makapangyarihan at ang (malamang sa hindi na) tunay na motibo nila patahimikin ang kanilang mga kritiko, na kitilin ang freedom of expression ng mga ito.
Pwede ba nating i-isolate na tax evasion lamang, na sa dami ng ibang mga kumpanya na maaaring may paglabag din ay nagkataon na ang dalawang ito ang napili na kasuhan? Eh balita naman na si Duterte mismo ay noong kakaupo pa lang bilang presidente ng Pilipinas ay pinagbabantaan na ang ABS-CBN dahil sa atrasong pinersonal nito: dahil hindi raw pinalabas lahat ng kanyang campaign ads noong 2016 election? Pati ang Rappler na tinuring kritiko kuno ng administrasyong Duterte?
At copyright infringement lang ba ang isyu ni Raffy Tulfo kay Atty. Libayan, at hindi dahil consistent at effective na kritiko ng nauna itong huli?
Kasama ang ability to contextualize sa critical thinking.


 

Saturday, January 14, 2023

One-Minute Hirit 6: May Kartel Nga Ba ng Sibuyas sa Pilipinas?


Balita one: Ayon sa ating agricultural officials, maliban sa inflation, ang pagtaas ng presyo ng sibuyas dito sa Pinas ay dahil sa kulang ang local na produksyon nito, kaya kailangan na raw mag-import.

Balita two: Ayon naman sa Bureau of Customs, may naharang silang 50,000 na kilong sibuyas na smuggled mula sa China nitong Disyembre lamang.

Bale, habang nagkukulang daw sa produksyon ang ating agricultural sector, ay tone-toneladang sibuyas din naman ang tinangkang ipuslit papasok sa atin mula China. Kaya nakakapanghinala talaga itong isyu ng sibuyas at dapat lang na maimbestigahan.

Kaya sa Pinas, hindi ka lang maiiyak sa paghiwa ng sibuyas, kundi pati na rin sa kawalan at presyo nito sa merkado!

+ + +

One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat! 




 

One-Minute Hirit 5: Si Kongresman George Santos at ang Botanteng Pilipino (Enero 8, 2023)


Si Kongresman George Santos ay kaka-sworn in lang sa kongreso ng Estados Unidos. Bale Amerikano siya at hindi Pilipino kaya hindi naman siya pwedeng tumakbo sa kahit anong politikal na posisyon dito. Pero mapupulutan ng aral ang kasalukuyang sitwasyon niya. Kakaupo pa lang pero pinagreresign na ng kanyang mga constituents sa 3rd congressional district ng New York dahil sa mga nabistong kasinungalingan at iba pang mga atraso. Graduate daw siya ng Baruch College, eh hindi naman. Mga Hudyo raw ang kanyang mga magulang, eh hindi rin naman pala. At may mga kaso pa sa pera tulad ng pagnanakaw, pag-iwas sa pagbayad ng utang, at iba pa. Pero sakaling Pilipino siya at tatakbo dito sa atin, manalo kaya? Makaupo kaya sa Malacanang sa 2028?

+ + +

One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat! 


 

One-Minute Hirit 4: Aberya sa NAIA, Ano Na? (Enero 8, 2023)


Wala po akong ipapahayag na opinyon ukol sa guilt o innocence ni Juanito Jose Remulla III. Pero nabasa ko yung desisyon ng korte, at kung susumahin, ay una, di RAW napatunayan na alam mismo ni Juanito na siya ang recipient ng package ng marijuana, at pangalawa, may lapses DAW ang PDEA sa chain of custody ng package. Ang masasabi ko lang ay sanaol, na pati ang mga kaso ng mga mahihirap at low profile na suspek ay mabigyan din ng mabilis na resolusyon, na mahusgahan din ng agaran kung inosente ba sila o hindi. At mapalaya ang mga inosente nating kababayan.

+ + +

One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat! 


 

One-Minute Hirit 3: Abswelto si Juanito, at Sanaol Mabigyan ng Mabilis na Reso ang Kaso (Enero 6, 2023)


Wala po akong ipapahayag na opinyon ukol sa guilt o innocence ni Juanito Jose Remulla III. Pero nabasa ko yung desisyon ng korte, at kung susumahin, ay una, di RAW napatunayan na alam mismo ni Juanito na siya ang recipient ng package ng marijuana, at pangalawa, may lapses DAW ang PDEA sa chain of custody ng package. Ang masasabi ko lang ay sanaol, na pati ang mga kaso ng mga mahihirap at low profile na suspek ay mabigyan din ng mabilis na resolusyon, na mahusgahan din ng agaran kung inosente ba sila o hindi. At mapalaya ang mga inosente nating kababayan.

+ + +

One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat! 


 

One-Minute Hirit 2: Ipinanganak si Hesu Kristo Hindi Lamang Para Iligtas Tayo sa Ating Mga Kasalanan (Disyembre 24, 2022)

 



Maligayang Pasko sa ating lahat. At okey na rin yung ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni Hesu Kristo – ipinanganak man siya noong ika-beinte singko ng Disyembre o hindi.“ Ngayon, banggitin lang natin ang ibang mga dahilan kung bakit ipinanganak si Kristo sa mundo – maliban sa iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ayon sa kanya mismo, sa Lucas 4:18-19,

Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi.

Ayos ba?

+ + +

One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat!