Noong 2014 ay
pinabigyan ako ni JM De Guzman, ang mahusay at award-winning na aktor, na
makapanayam ko siya sa aking bahay mismo* para sa interview article ko na inasayn
sa akin bilang bagong manunulat noon ng Puso ng Pamilyang Pilipino. Heto ang
link sa article na JM De Guzman, as a Comback Kid.
(Si JM sa sala namin
noong panayam, kasama ang anak ko na inaanak niya na si Mikael Fedor. Pasikat ko na rin:
painting ko yung nasa likod nila, nilikha ko noong estudyante pa ako ng College
of Fine Arts ng UP Diliman noong SY 1993-94.)
Ang sumusunod ay mga bahagi ng article; quoted verbatim ang mga sinabi ni JM mismo.
(At sa mga nagtataka, Taglish daw ang gamitin ko sa pagsulat sabi ng editor ko noon, hehe.)
Nag-start ako
mag-commercials six years old, nag-start ako mag-Ang TV mga 13
to 14 years oldJM recalls.
Sa kanyang freshman
year sa UP Diliman, he was already in the acting field. He chose Theater Arts
as his course in college.
Habang nagre-rehearse
para sa isang musical, pinag-audition ng kanilang director at propesor na si
Alexander Cortes ang lahat ng mga male actors sa Pintakasi,
isang indie film. Balik-tanaw ni JM,
Nangangailangan daw kasi siya ng theater actors. At first, may feeling ako na hindi pa ako ready, medyo mababa pa ang
tingin ko sa sarili ko.
It took one week for
JM to audition.
Heartbroken ako noon sa
acting career ko, kasi walang nangyari. May feeling ako na ayaw ko na, na ayaw
ko nang ma-reject ulit, paliwanag niya. So noong pumunta ako doon, bahala na.
Wala namang mawawala. Awa ng Diyos, pinabalik ako. Actually noong audition,
nagulat ako at pini-pair na ako sa iba’t iba, hindi ako pinapaalis. May feeling ako na gusto ako. Kasi yung
iba, pinapauwi na (laughs).
Para kay JM, big break
ang kanyang first major role. Top billing at yung pangalan ko sa poster.
Never
pang nangyari sa akin yun. From there, doon ako nahubog sa indie films. Kasi
yung freedom tapos kumikita ka pa.
*Actually, sa dating
bahay ko kasi bahay ng mga magulang ko iyon na nilisan ko na noong nag-asawa na
ako noong 2004.