Saturday, December 3, 2022

One-Minute Hirit 1: Maharlika Sovereign Wealth Fund

 


Ano ba itong Maharlika sobre-hin wealth fun na minamadaling isabatas ng ating mga mambabatas? Pagkatapos nilang iratsada yung bilyon-bilyong condifential fund ng DepEd, ito naman ang pinoproyekto nila ngayon, ang Maharlika sovereign wealth fund.”

Pero sa inisyal na Php275 billion na kakailanganin nito, eh mukhang bilyones ang manggagaling sa pension nating mga manggagawa: Php125 billion mula sa GSIS, tapos Php50 billion naman mula sa SSS.

Paano ang pagbantay sa ponding ito? Eh exempted daw sa GOCC Governance Act, Government Procurement Reform Act, and Competition Law.

At may representante kaya tayong mga empleyado sa board of directors nito? Tsk-tsk.

+ + +

One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat!