Naging maugong ang panawagan – lalo na mula sa mga Kakampink - - na kanselin o boykotin si Toni G. dahil di nila nagustuhan ang political choice at career move niya noong nakaraang eleksyon. Political choice niya, BBM for president. Showbiz career move, yung maging major, major entertainer sa campaign rallies ni BBM. Kaya yung mga dating fans niya raw, na mula sa burgesya na mga Kakampink, eh di inabandona’t tinatabla na siya. Pero may alas si Toni G: at ito ang pagiging makalimutin ng mga Pinoy. Hintay lang at lilipas din ito. Eh di ba alam din ni BBM iyan? Eh yung mga human rights violation noong martial law, yung pandarambong ng pamilya niya, yung crony capitalism, etcetera ay nabaon na nga sa limot, eh itong isyu pa kaya kay Toni G?
No comments:
Post a Comment