Balita one: Ayon sa ating agricultural officials, maliban sa
inflation, ang pagtaas ng presyo ng sibuyas dito sa Pinas ay dahil sa kulang
ang local na produksyon nito, kaya kailangan na raw mag-import.
Balita two: Ayon naman sa Bureau of Customs, may naharang
silang 50,000 na kilong sibuyas na smuggled mula sa China nitong Disyembre
lamang.
Bale, habang nagkukulang daw sa produksyon ang ating
agricultural sector, ay tone-toneladang sibuyas din naman ang tinangkang ipuslit
papasok sa atin mula China. Kaya nakakapanghinala talaga itong isyu ng sibuyas at
dapat lang na maimbestigahan.
Kaya sa Pinas,
hindi ka lang maiiyak sa paghiwa ng sibuyas, kundi pati na rin sa kawalan at presyo
nito sa merkado!
+ + +
One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat!
No comments:
Post a Comment