Mula sa description box ng video:
“Ang lahat ng bagay ay magkaugnay. Magkaugnay ang lahat” - Joey Ayala At Ang Bagong LumadMay parallelisms ang pag-file ng kaso ng tax evasion ng administrasyong Duterte laban sa ABS-CBN at Rappler, at ang pagkaso ng copyright infringement laban kay Atty. Ranny Randolf B. Libayan: ang mga makapangyarihan at ang (malamang sa hindi na) tunay na motibo nila patahimikin ang kanilang mga kritiko, na kitilin ang freedom of expression ng mga ito.Pwede ba nating i-isolate na tax evasion lamang, na sa dami ng ibang mga kumpanya na maaaring may paglabag din ay nagkataon na ang dalawang ito ang napili na kasuhan? Eh balita naman na si Duterte mismo ay noong kakaupo pa lang bilang presidente ng Pilipinas ay pinagbabantaan na ang ABS-CBN dahil sa atrasong pinersonal nito: dahil hindi raw pinalabas lahat ng kanyang campaign ads noong 2016 election? Pati ang Rappler na tinuring kritiko kuno ng administrasyong Duterte?At copyright infringement lang ba ang isyu ni Raffy Tulfo kay Atty. Libayan, at hindi dahil consistent at effective na kritiko ng nauna itong huli?Kasama ang ability to contextualize sa critical thinking.
No comments:
Post a Comment