Saturday, November 11, 2023

Ericson Acosta: Mga Pira-Pirasong Alaalang Nakakatawa’t Nakakatuwa Noong Dekada Nobenta

\
(Ang makata at aktibista na si Ericson Acosta, pinaslang noong ika-30 ng Nobyembre, Araw ni Bonifacio, 2022, edad 50.)

  1. May rally sa Elliptical Road, unang bahagi ng dekada nobenta. Maglalakad kami, tatakbo . . . at ang kanyang chant (in swardspeak): “Jogging, jogging, bayan ko! Jogging ngayon ang laban mo!”
  2. Gabi, konsiyerto para sa UP Fair sa Sunken Garden. Pwede pang uminom noon ng beer at alak. Ang stage ay malapit sa Grandstand. Kami naman ay malayo-layo, sa bandang malapit na sa Main Library. Tisoy ang bokalista ng bandang noo’y tumutugtog. Aniya ni Ericson, “Atenista ‘yan, eh. Atenista . . .”
  3. Sa tambayan ng Amnesty International, hawak ni Ericson ang pinakabagong kopya ng Kule na kung saan siya may sinulat na artikulo tungkol sa sining biswal. May kuro-kuro siya patungkol kay Roberto "Bobby" Rodríguez Chabet, na tinuturing “father of Philippine conceptual art” at noo’y nagtuturo sa College of Fine Arts. Pasimula ni Ericson, “May iconoclast dyan sa Fine Arts, eh . . .” (Eniweys, di niya trip si Chabet at/o ang mga ideya nito.)
  4. "Lagi akong napagkakamalang Koreano!"
  5. Nakasabay namin ng kaibigan ko si Ericson sa dyip na biyaheng Katipunan pabalik ng UP, pagkagaling namin sa National Bookstore. Naupo siya sa dulo sa bandang labasan ng dyip. Balisa siya. Sa parte ng kalsada sa harap ng Miriam College, sabi niya, late na raw siya sa rehearsal sa teatro. Medyo trapik, tapos lumiko pa ang dyip pakanan papasok sa gasolinahan ng Petron. Napamura si Ericson, “Putang-ina! Magpapa-gas pa! Magta-taxi na ako!” Tumalon siya sa dyip at sa Katipunan, kinukumpas ang kamay sa pagtawag ng taxi.

    6. Ito kuwento ng photographer at co-staffer ni Ericson sa Kule (na nakalimutan ko na ang pangalan):

Ericson: Hirap na hirap na ako maging pogi. 

Isang kasama nila: Naiintindihan kita.

Ericson: Hinde! Hindi mo ako naiintindihan! Maiintindihan mo lang ako kung tunay ka ring pogi!

      7. Cultural Night at nakapalibot sa may hardin sa harapan ng Faculty Center ang mga kasalo.                       Nakaupo si Ericson sa damo at kumakanta’t naggigitara. Parang hinaharanahan niya ang isang      babaeng co-staffer niya sa Kule habang nanonood ang boypren nito na napapangiti na lang.

      8. Nakaupo sa ugat ng puno ng akasya sa Sunken Garden, sa bahaging malapit sa Vinzons at Eduk.            Tinanong niya kami sa modulated na boses, “Naranasan niyo na bang (dramatic pause) . . .                      umibig”?

      9. Huling bahagi ng dekada nobenta, gabi ng UP Fair ulit. May booth ang organisasyon na tinatag              ko: nagbebenta ng mga t-shirt at kung ano-ano pang mga paraphernalia. May t-shirt ni Che                      Guevarra at Mao Zedong, atbp. (kahit na hindi Maoista ang grupo namin). Para sa pagkalap ng                pondo. Napadaan si Ericson, at bumili ng isang Mao t-shirt. Kalahati lang muna ang binayaran.            (P150 ata sa presyong P300.) Hindi na rin nasingil ang balanse, pero lubusang higit pa ang binayad           mo, Ericson, sa pagbuwis mo ng buhay para sa bayan – sang-ayon man ako o hindi sa iyong                  napiling paraan para sa progresibong pagbabago ng ating lipunan. (Sana nga “jogging” lang ang              laban ng ating abang bayan.)

Maraming salamat sa mga alaala, Ericson. At maaaring magkampeon ang parehong koponan ng basketbol ng UP Fighting Maroons, men’s and women’s, nitong UAAP Season 86! Sakaling may bonfire, pipilitin kong dumalo. Pipilitin maging kasing-saya ng kasalukuyang henerasyon ng mga Isko’t Iska sa isa na namang gabi sa Sunken Garden.



(Photo credits:

First photo, of Petron Katipunan Square, from Eric Martinez PHSecond and last photo, of Sunken Garden, from Jules Bañgate.)

 


Sunday, August 13, 2023

"Recumbent," my new poetry collection from 8Letters Bookstore and Publishing, is now available!


From Bob MacKenzie, author of unbroken and on edge:

The poems in Karlo Sevilla’s Recumbent can seem an arbitrary selection without a particular theme.  Here we can find vignettes of family life, dreamlike sequences, vivid images of street violence and political murder, even fully surreal poems and surreal images secreted in others.  A surface reading cannot adequately reveal a consistent theme which may run through these poems.  There’s something else going on here, a barely hidden backdrop to the tales Sevilla brings to the table.  The poet suggests a deeper and darker theme when he writes “I’m here fallen / where even shadows / dare not fall.”

This collection of poems is an illusion, a trick of the eye and the heart by a clever magician.  At surface, the poems here may appear to tell simple tales of home life and family, uncomplicated slices of the poet’s personal life.  But something else is here, just below the surface.  Karlo Sevilla hints at this subtext in his epigraph, a self-written type of subtitle: these are, he says, “poems about and from the body laid or lying on any surface–steady or unsteady, dead or alive.”  This theme is repeated and enhanced in poems throughout this collection.  Sevilla’s poems are less about the hard-copy world we inhabit than a sense of the absolute Silence through which we all move from birth to death.  In a poem describing a man tortured and dying, the poet writes that the man “ never squealed; / not another’s whereabouts compromised / nor a single real name revealed.”  In his poetry, Karlo Sevilla walks a thin line between our mundane lives and another, darker place where, his narrator says, “it’s  the light that makes the shadows” but his young daughter “shakes her head, ‘It’s the dark.’”  It’s along this subtle line that we will see the magic in Sevilla’s poetry.  In the world Karlo Sevilla describes in his poems, each of our lives includes a place of shadows where our secrets hide in the Silence.

 

(Image from the publisher's Facebook post.)

August 25, 2023 UPDATE: I am sad to share that Bob Mackenzie passed away about two days ago. He has been a peer of mine in Rat's Ass Review's online poetry workshop, and has been one of the most exacting and helpful in giving valuable feedback to the poems forged in that crucible. We'll miss him badly. And I also deeply appreciate that my book's publisher, just this morning, kindly decided to reedit its manuscript to make Bob's review as the introduction to my book. Rest in peace, Bob. This one's for you.

International orders here: https://m.facebook.com/8lettersbooks?mibextid=ZbWKwL. (If you have any questions about ordering, please send a private message to the administrator.)






 


 

Monday, July 31, 2023

One-Minute Hirit 24: Pinagtataguan Kayo Ngayon ni BBM?! Eh Matagal Nang ...


Mula sa description box:
Sa totoo lang, maliban sa mga atraso ng mga Marcos sa kasaysayan ng ating bayan hanggang sa kasalukuyan, yung mismong pag-iwas ni BBM sa mga debate noong kampanya ay RED FLAG na! Isipin mo, tumatakbong pagka-presidente tapos umiiwas sa mga debate! Masamang precedent at ehemplo! Ni di na nga ako magtataka kung may mga bata sa elementarya na tatakbo para sa student council nila, tapos iiwas sa debate at idadahilan, “Eh presidente nga ng ating bayan, umiwas sa debate, ako pa kaya?” (Mabuti pa si Ka Leody de Guzman, nagpakita at nakipagtagisan ng talino sa lahat ng debate noon . . . Ang imahe sa thumbnail ay mula sa balita ng Philippine Daily Inquirer, "Bongbong Marcos shuns Comelec debates, cites 'preferred mode of communication with people," ni Neil Arwin Mercado, ika-14 ng Marso, 2022.)

Sunday, July 23, 2023

One-Minute Hirit 23: SMNI Partner Na ng TV CGTN ng “Komunistang” Tsina?!...


“Matagal na akong nagtataka kung bakit hindi nireredtag ni Lorraine Badoy at Jeffrey Celis ang bansang People’s Republic of China, eh itong bansang ito ay lantarang pinamumunuan pa nga ng kanilang partido komunista, ng Chinese Communist Party.”

Saturday, July 22, 2023

The ADHD Chronicles: A Sunday Mass Memory and Some (1980)

(Interior of Ascension of Our Lord Parish Church - Greater Lagro, Novaliches, Quezon City, photo from Fr. Raul Beni Barcela, from the church's Facebook page's post, July 11, 2023)

Now that I'm a father of more than 17 years, the more I realize that I really was a different kid. For years now, occasionally during Sunday Mass, right before the offertory we tell any of our three children to volunteer and pick up a collection bag and go around. And any given Sunday's chosen one does it promptly and properly.

When I was five, for the first (and last!) time, my mother asked me to do the same at the Ascension of Our Lord Parish Church in Greater Lagro, Quezon City. So I picked up a collection bag, but I just stood near her—paralyzed. I just kept mumbling to her repeatedly, "Which aisle should I go first?" She replied and, I'm sure, gave me directions. But I didn't, or couldn't, follow. And soon the offertory song was over and I just returned the collection bag empty. (And just now, I'm thinking, if there were five collection bags in all in that church, then they must've lost approximately 20% of their Sunday Mass income because of me.)
Also at that age, I moved the slowest in kindergarten: always the last to return my empty saucer at the end of (or after!) recess, the last to unpack and repack my bag or plastic envelope, etc.
I still remember the day we visited the Infirmary for our very first annual physical checkup in UPIS, and when we were through, I was the last to climb aboard the bus because I stayed overtime at the last clinic struggling to tie my shoes. (I finally figured out how to tie my shoes properly in . . . first year high school!)
When we returned to our classroom, during dismissal, our teacher announced that she would distribute giveaways. So we all gathered excitedly around her desk. Unfortunately, she followed up with a condition: "Only for the kids who move fast."
Well, I wasn't that slow not to realize that I was excluded from the final blessing. So right there and then I walked out of the classroom—quickly, uncharacteristically.

+ + +

(And you can check out one of my latest published poems here!)

Sunday, July 9, 2023

One-Minute Hirit 21: Isang Pagpupugay kay Amando Doronila, Magiting na M...


From Veteran newsman,author Amando Doronila; 95 By: Julie M. Aurelio, Philippine Daily Inquirer, July 9, 2023:

More than a decade ago, he already sensed the emerging challenges to newspapers from the internet.


“Newspapers today are flooded by social media stories from Facebook or Twitter which are hard to verify and authenticate,” said Doronila who served as chief editor of the Chronicle before it was shut down by Marcos and after Marcos was toppled.


“Cyberspace journalism gives us an oversupply of information from impressionable citizen journalists. And this Internet journalism poses a threat to the survival of the newspaper as a medium of information,” he said. 


Born on Feb. 6, 1928, in Dumangas, Iloilo, he began his career as a reporter and columnist for the Manila Bulletin and was a political columnist for the Daily Mirror from 1963 to 1972.


When Marcos imposed martial law in 1972, Doronila and other journalists like Luis Beltran and Maximo Soliven were arrested and detained.




Monday, July 3, 2023

Sa Pinas, ang Pagnanakaw ay Di Anomalya


(Ang imahe ay mula sa tweet na ito.)

Kung nakawan ang lakaran

ng mga kinauukulan,

eh di ito'y di na anomalya.

Kaya tayo nang magpasya,

na sa susunod na mabalitaan

na tayo'y muling pinagnakawan,

na sabihin na lang sa isa't isa

kung ano ang baligtad,

"Uy, gumawa na naman sila

ng regularidad!"


Saturday, July 1, 2023

One-Minute Hirit 20: “Secretary Larry Gadon”: Wala Na Bang Iba?!


Mula sa description box:

Ang imahe sa itaas ay mula sa INQUIRER.net Facebook page, 3/22/2023: https://www.facebook.com/inquirerdotn.... Sa totoo lang, napatula ako sa pagtatalaga kay Larry Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation: http://karlosevillaofquezoncity.blogs.... Naniniwala ako na mas mahusay sa posisyong iyan si Atty. Luke Espiritu, pero siyempre, malabong alukin ni BBM, at lalong mas malabong makompromiso si attorney (pa rin) at tanggapin ang alok na mula sa administrasyong ito. Subscribe po tayo ditto sa YouTube channel ni Atty. Luke Espiritu:    • Luke Espiritu, ig...  . Mula sa https://votepilipinas.com/candidate/e... “Luke Espiritu, 47, is a lawyer, labor organizer and activist for human rights, climate justice and gender equality. He is the former national president, spokesperson and current labor organizer of the Bukluran ng Manggagawang Pilipino as well as the former national president of the Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms Federation.”

Friday, June 30, 2023

Payo


(Oil on canvas, pininta ko noong 1991, nakalimutan ko na ang pamagat.)


 Huwag simulan

Ang sa kinalaunan

Ay mahirap nang atrasan.

"Ang Inyong Lingkod," Dating Abogagong Larry Gadon


Sa pagkakatalaga kay Larry Gadon
Bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation,
Ay mahirap ka na nga,
Eh ginawa ka pang tanga!



(Itong imahe ay mula sa INQUIRER.net FB page, 3/22/2023.)

 


 

Sunday, June 18, 2023

Philippine Senate: Mataas na Babuyan

 


Dahil sa iyong boto,

Nagmistulang kural.

Dahil ika’y nagpaloko,

Nakaupo ang mga hangal.

(Baboy si Bad Boy!)


Friday, June 16, 2023

Depensib

 


And daming esteburetse

sa iyong paliwanag,

parang Meralco advisory

na sa YouTube ihinahayag

ang mga nakakalitong detalye

ukol sa bagong singil na dinagdag.


Saturday, June 10, 2023

Napadaan Lang, Malamang

 (Nakalimutan ko na ang pamagat, watercolor sa illustration board, pininta ko noong estudyante ako ng College of Fine Arts - UP Diliman noong 1993.)

Ilang taon na ang lumipas at nangahas bumalik,
nagbabakasakaling may babalikan pang halik.
Nangangambang bumalik upang malaman
kung may babalikan pang dahilan.

Wednesday, June 7, 2023

Delatang Sardinas ng Laging Saklolo


O Delatang Sardinas ng Laging Saklolo,

Nawa’y busugin ang tiyang kumukulo,

Kapag ang ulam sa hapag ay ayaw ko,

Dahil nag-iinarte na naman ako.


 

Saturday, May 27, 2023

Oreo the Persian/Maine Coon Cat!


From the description box:

Oreo was born on October 23, 2022. We welcomed him home one day last January as my sister Celia’s Christmas gift to my children/her nephews and niece. Oreo’s father is a Maine Coon, and his mother is a Persian cat. I’ll post videos of Oreo at least once a month. Please like the video and subscribe to my channel for updates on our Oreo. (I have other contents aside from Oreo though.)

“Ang Internasyunal” sa Lansangan ng Mendiola, Mayo 1, '23 ni Danny Fabel...


Mula sa description box:

(Medyo bitin ang bidyo sa simula’t pagtatapos, pero . . .) Ang Internasyunal Bangon sa pagkakabusabos Bangon alipin ng gutom Katarunga'y bulkang sasabog Sa huling paghuhukom Gapos ng kahapo'y lagutin Tayong api ay magbalikwas Tayo ngayo'y inaalipin Subalit atin ang bukas Koro: Ito'y huling ipaglalaban Magkaisa nang masaklaw Ng Internationale ang sangkatauhan (ulitin 2x) Wala tayong maasahang Bathala o manunubos, kaya ang ating kaligtasa'y nasa ating pagkilos Manggagawa bawiin ang yaman Kaisipa'y palayain Ang maso ay ating hawakan Kinabukasa'y pandayin Koro: Ito'y huling ipaglalaban Magkaisa nang masaklaw Ng Internationale ang sangkatauhan (ulitin 2x)

Saturday, April 1, 2023

One-Minute Hirit 19: Ang Pagkulong at Paglitis ng ICC kay Ivory Coast E...


Kaya maaari namang mapawalang-sala ang mga nililitis ng ICC, at pwede namang huwag silang masyadong maihi sa kanilang mga salwal.
 Si Laurent Gbagbo ang pinakaunang dating head of state na nilitis ng ICC.

Thursday, March 23, 2023

One-Minute Hirit 18: Sa Isyu ng Comfort Women, Nagturo Rin ang United Na...


"Move on"?! Matuto muna sa madilim na nakaraan -- at huwag baluktutin o pabanguhin ang mga naging atraso ng mga makapangyarihan! Never again!

“. . . as remembrance is critical to a sensitive understanding of the history of human rights violations endured by these women, to emphasize the importance of advancing human rights, and to avoid recurrence.” - UN Committee on the Elimination of Discrimination against Women

Saturday, March 4, 2023

One-Minute Hirit 16: Direk Darryl Yap: ang Joseph Goebbels ng Malacañang...


Ang magdirek ng mga pelikulang pampropaganda na nagtatanggol at nagpapabango sa kuwento ng pamilyang Marcos na pasimuno ng pandarambong at paglabag sa mga karapatang pantao noong martial law – iyan ang showbiz career choice ngayon ng batang director na si Darryl Yap. 

Thursday, March 2, 2023

One-Minute Hirit 15: Ang Dalawang Problema ng mga Magnanakaw sa NAIA ay ...


". . . ay una, akala yata nila ang NAIA ay hindi Ninoy Aquino International Airport kundi Ferdinand Marcos International Airport kaya okay lang magnakaw."

Sunday, February 5, 2023

Short Film: Waste of Time: A Guard of Squid Game & Other Dadaist Shorts


Mula sa description box ng video:

1. A short film. 2. From "Dadaism in Film" by Andy Lantz: "Members of the Dada cultural and artistic movement began to experiment with film as a means to disseminate their stylistic partialities and cultural values through a new medium free of cultural respectability and aesthetic pretension." (Source: Routledge Encyclopedia of Modernism: https://www.rem.routledge.com/article...) 3. My previous short film: https://www.youtube.com/watch?v=FWmP6.... 4. My bio: https://www.pw.org/directory/writers/.... #dadaism #film #shortvideo #shortflm #movie #squidgame #covid19





 

Saturday, February 4, 2023

One-Minute Hirit 13: Ang Pinoy Labor Migration sa Middle East na Sinimulan Noong Martial Law


Mula sa description box ng video:

Hustisya Para Kay Jullebee Ranara! “Tinitiis ang lungkot ng pagkawalay sa mga mahal sa buhay, basta lang makapagtrabaho at may maipadalang nakakabuhay. Yung nga lang, may mga ilan na umuuwi nang wala nang buhay pagkatapos pahirapan nang lubos tulad ni Jullebee Ranara” na isang nanay.

 

Thursday, February 2, 2023

One-Minute Hirit 12: Tunay na Unity? Noong Tumutol ang mga Manggagawa sa Maharlika Fund Version I

 



Mula sa description box ng video:

Unity ba kamo? “. . . noong tumutol ang sambayanan, pati mga pro-BBM, sa unang bersyon ng Maharlika Investment fund. Mantakin mo: gagamitin daw yung pension natin para isugal bilang puhunan?” Handa na ba kayong magretiro nang nakanganga? Binabago na raw nila ang proposed MIF, pero kaduda-duda at may mga butas pa rin, tsk-tsk.



One-Minute Hirit 11: Kargo ni BBM, bilang Presidente at Sec ng DA, ang Solusyonan Krisis sa Sibuyas


Mula sa description box ng video:

Dear President and Department of Agriculture Secretary, Re itong krisis ng atiing abang bayan sa sibuyam, ano po? Remember the DA mandate: “The Department is the government agency responsible for the promotion of agricultural development by providing the policy framework, public investments, and support services needed for domestic and export-oriented business enterprises. ‘The DA envisions a food-secured and resilient Philippines with empowered and prosperous farmers and fishers. As such, it shall collectively empower them and the private sector to increase agricultural productivity and profitability, taking into account sustainable, competitive, and resilient technologies and practices. Hence, its battlecry is simply: “Masaganang Ani at Mataas na Kita!” Source: Department of Agriculture official website.

 

Sunday, January 29, 2023

One-Minute Hirit 10: Paalala: May Jurisdiction ang ICC sa Anumang Posibleng Kaso ng Crimes Against Humanity sa Pilipinas Hanggang March 16, 2019



Mula sa description box ng video:

1. Ayon sa Article 127(2) ng Rome Statute ng International Criminal Court (https://www.icc-cpi.int/sites/default...

Its withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective. Pagsalin sa Filipino: “Ang pag-atras ay di makakaapekto sa pakikipag-kooperasyon sa Korte kaugnay ng mga imbestigasyon sa krimen at mga paglilitis ukol sa kung saan ang umaatras na Estado ay may tungkulin nang makipag-kooperasyon at ang mga ito ay nagsimula bago pa man ang petsa noong naging epektibo na ang pag-atras.” (Welcome po ang sinumang makakapagbigay ng mas angkop na pagsalin. Paki-komento na lang po sa baba at bibigyan ko kayo ng acknowledgement sakaling i-edit ko ito nang ayon sa kontribusyon ninyo. Salamat.) 2. Mula sa page 87 ng Supreme Court Decision G.R. Nos. 238875, 239483, and 240954, July 2021 (
https://sc.judiciary.gov.ph/20238/): Withdrawing from the Rome Statute does not discharge a state party from the obligations it has incurred as a member, Article 127(2) provides: “A State shall not be discharged, by reason of its withdrawal, from the obligations arising from this Statute while it was a Party to the Statute, including any financial obligations which may have accrued. Its withdrawal shall not affect any cooperation with the Court in connection with criminal investigations and proceedings in relation to which the withdrawing State had a duty to cooperate and which were commenced prior to the date on which the withdrawal became effective, nor shall it prejudice in any way the continued consideration of any matter which was already under consideration by the Court prior to the date on which the withdrawal became effective. A state party withdrawing from the Rome Statute must still comply with this provision. Even if it has deposited the instrument of withdrawal, it shall not be discharged from any criminal proceedings. Whatever process was already initiated before the International Criminal Court• obliges the state party to cooperate.

Friday, January 27, 2023

One-Minute Hirit 9: Isang Pagpupugay sa Ating Kapulisan sa Agarang Aksyon sa Mga Kaso nina Percy Lapid at Yvonne Chua Plaza

 


Nagluluksa man hanggang ngayon ang mga kamag-anak, kaibigan, at tagahanga ng mga pinaslang na sina Percy Lapid at Yvonne Chua Plaza, ay huwag naman nating kalimutan na bigyang-pansin at pagpupugay ang agarang aksyon ng Philippine National Police sa paghahanap ng hustisya para sa kanila. Sa kaso ni Percy Lapid, noong Oktubre ng nakaraang taon ay pinangalanan na bilang person of interest ang ngayo’y main suspect na si former BuCor Chief Gerald Bantag. Sa kaso naman ni Yvonne Chua, pinangalanan ng Police Regional Office-Davao si Brig. Gen. Jesus Durante III bilang suspect. Ang dalawang kasong ito ay patunay na kayang gampanan ng PNP ang kanilang tungkulin na resolbahin ang anumang krimen sa madaling panahon, maging ang main suspects man – guilty or not guilty -- ay mga tanyag na men in uniform din.

+ + +

  1. Kilalanin at respetuhin natin ang presumption of innocence sa ating Konstitusyon:

ARTICLE III
BILL OF RIGHTS

Section 14. (1) No person shall be held to answer for a criminal offense without due process of law.

(2) In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the contrary is proved, and shall enjoy the right to be heard by himself and counsel, to be informed of the nature and cause of the accusation against him, to have a speedy, impartial, and public trial, to meet the witnesses face to face, and to have compulsory process to secure the attendance of witnesses and the production of evidence in his behalf. However, after arraignment, trial may proceed notwithstanding the absence of the accused : Provided, that he has been duly notified and his failure to appear is unjustifiable.

2.\ 2. Kilalanin at respetuhin din natin natin ang mabilis na progreso ng pag-aksyon ng ating kapulisan sa mga kaso nina Percy Lapid at Yvonne” Chua Plaza


Monday, January 23, 2023

One-Minute Hirit 8: Ang Solusyon Ni Toni G sa Pamboboykot Laban sa Kanya (No Bashing; Analysis Lang)


Naging maugong ang panawagan – lalo na mula sa mga Kakampink - - na kanselin o boykotin si Toni G. dahil di nila nagustuhan ang political choice at career move niya noong nakaraang eleksyon. Political choice niya, BBM for president. Showbiz career move, yung maging major, major entertainer sa campaign rallies ni BBM. Kaya yung mga dating fans niya raw, na mula sa burgesya na mga Kakampink, eh di inabandona’t tinatabla na siya. Pero may alas si Toni G: at ito ang pagiging makalimutin ng mga Pinoy. Hintay lang at lilipas din ito. Eh di ba alam din ni BBM iyan? Eh yung mga human rights violation noong martial law, yung pandarambong ng pamilya niya, yung crony capitalism, etcetera ay nabaon na nga sa limot, eh itong isyu pa kaya kay Toni G?