- May rally sa Elliptical Road, unang bahagi ng dekada nobenta. Maglalakad kami, tatakbo . . . at ang kanyang chant (in swardspeak): “Jogging, jogging, bayan ko! Jogging ngayon ang laban mo!”
- Gabi, konsiyerto para sa UP Fair sa Sunken Garden. Pwede pang uminom noon ng beer at alak. Ang stage ay malapit sa Grandstand. Kami naman ay malayo-layo, sa bandang malapit na sa Main Library. Tisoy ang bokalista ng bandang noo’y tumutugtog. Aniya ni Ericson, “Atenista ‘yan, eh. Atenista . . .”
- Sa tambayan ng Amnesty International, hawak ni Ericson ang pinakabagong kopya ng Kule na kung saan siya may sinulat na artikulo tungkol sa sining biswal. May kuro-kuro siya patungkol kay Roberto "Bobby" Rodríguez Chabet, na tinuturing “father of Philippine conceptual art” at noo’y nagtuturo sa College of Fine Arts. Pasimula ni Ericson, “May iconoclast dyan sa Fine Arts, eh . . .” (Eniweys, di niya trip si Chabet at/o ang mga ideya nito.)
- "Lagi akong napagkakamalang Koreano!"
- Nakasabay namin ng kaibigan ko si Ericson sa dyip na biyaheng Katipunan pabalik ng UP, pagkagaling namin sa National Bookstore. Naupo siya sa dulo sa bandang labasan ng dyip. Balisa siya. Sa parte ng kalsada sa harap ng Miriam College, sabi niya, late na raw siya sa rehearsal sa teatro. Medyo trapik, tapos lumiko pa ang dyip pakanan papasok sa gasolinahan ng Petron. Napamura si Ericson, “Putang-ina! Magpapa-gas pa! Magta-taxi na ako!” Tumalon siya sa dyip at sa Katipunan, kinukumpas ang kamay sa pagtawag ng taxi.
Ericson: Hirap na hirap na ako maging pogi.
Isang kasama nila: Naiintindihan kita.
Ericson: Hinde! Hindi mo ako naiintindihan! Maiintindihan mo lang ako kung tunay ka ring pogi!
8. Nakaupo sa ugat ng puno ng akasya sa Sunken Garden, sa bahaging malapit sa Vinzons at Eduk. Tinanong niya kami sa modulated na boses, “Naranasan niyo na bang (dramatic pause) . . . umibig”?
9. Huling bahagi ng dekada nobenta, gabi ng UP Fair ulit. May
booth ang organisasyon na tinatag ko: nagbebenta ng mga t-shirt at kung ano-ano
pang mga paraphernalia. May t-shirt ni Che Guevarra at Mao Zedong, atbp. (kahit
na hindi Maoista ang grupo namin). Para sa pagkalap ng pondo. Napadaan si
Ericson, at bumili ng isang Mao t-shirt. Kalahati lang muna ang binayaran. (P150 ata sa presyong P300.) Hindi na rin nasingil ang balanse, pero lubusang higit pa ang binayad mo, Ericson, sa pagbuwis mo ng buhay para sa
bayan – sang-ayon man ako o hindi sa iyong napiling paraan para sa progresibong
pagbabago ng ating lipunan. (Sana nga “jogging” lang ang laban ng ating abang
bayan.)
Maraming salamat sa mga alaala, Ericson. At maaaring magkampeon ang parehong koponan ng basketbol ng UP Fighting Maroons, men’s and women’s, nitong UAAP Season 86! Sakaling may bonfire, pipilitin kong dumalo. Pipilitin maging kasing-saya ng kasalukuyang henerasyon ng mga Isko’t Iska sa isa na namang gabi sa Sunken Garden.
(Photo credits:
First photo, of Petron Katipunan Square, from Eric Martinez PH. Second and last photo, of Sunken Garden, from Jules Bañgate.)
No comments:
Post a Comment