... isang pahabol na maiksing tula:
Sa iyo'y labas-masok ang aking dila,
Habang mga pisngi'y ipit ng iyong mga hita.
... isang pahabol na maiksing tula:
Sa iyo'y labas-masok ang aking dila,
Habang mga pisngi'y ipit ng iyong mga hita.
Tularan siya para may paglalagyan sila,
Anuman ang mga hamo’t balakid sa pakikibaka!
Pinapapatay siya sa mga ekspertong hitman.
Pinapatay nila ang kanyang mga kaibigan.
Pinapatay nila ang kanyang mga bebot.
Pero di siya natitinag sa kanyang misyon.
Ni lungkot o luha ay bakas sa mukha
Ni Bond, James Bond.
Tuloy ang kanyang laban para sagipin ang mundo!
(O ang Inglatera lamang?)
Espiya pero ilang beses nang nakipagbarilan!
Ganunma’y di pa rin nila bistado
Ang tunay niyang katauhan
Bilang lihim na ahente
Ng kanyang imperyalistang pamahalaan.
“Para sa ikauunlad ng bayan, si James Bond ay gayahin!”
Sigaw ni Jaime Bandong na magtataho sa amin.
Ngayo’y sumasabog, nag-uumapaw,
Ang aking puso’t diwa sa kaligayahan.
Kaya bumubuwelo na rin ako sa bwelta,
Sa hagupit, ng paparating na kalungkutan.

tayo
magkayakap,
sa himpapawid
lumipad, sumirit
bulalakaw,
sa kalawakan,
bumulusok.
nagbanggaan!
pero ito ang nawasak,
at di tayo.
ni di tayo nagalusan.
at ito pa ang napaso,
di tayo.
(paano pang papasuin
ang dalawang
sa simula’t sapul
nagliliyab?)
Huwag simulan
Ang sa kinalaunan
Ay mahirap nang atrasan.
Dahil
sa iyong boto,
Nagmistulang
kural.
Dahil
ika’y nagpaloko,
Nakaupo
ang mga hangal.
(Baboy si Bad Boy!)
And daming esteburetse
sa iyong paliwanag,
parang Meralco advisory
na sa YouTube ihinahayag
ang mga nakakalitong detalye
ukol sa bagong singil na dinagdag.
O Delatang Sardinas ng Laging Saklolo,
Nawa’y busugin ang tiyang kumukulo,
Kapag ang ulam sa hapag ay ayaw ko,
Dahil nag-iinarte na naman ako.
Ito po ang aking pagsalin sa Filipino ng tulang Poor Fellows ni Pablo Neruda (na syempre ay orihinal na sinulat sa Espanyol). Andito rin po ang aking pagbasa, sa video.