“Ang lahat ng bagay ay magkaugnay. Magkaugnay ang lahat” - Joey Ayala At Ang Bagong Lumad
Contextualize: to think about or provide information about the situation in which something happens. Ex. When the rebellion is historically contextualized, it becomes clear that there were many factors contributing to it. (Source: Britannica Dictionary.)
May parallelisms ang pag-file ng kaso ng tax evasion ng administrasyong Duterte laban sa ABS-CBN at Rappler, at ang pagkaso ng copyright infringement laban kay Atty. Ranny Randolf B. Libayan: ang mga makapangyarihan at ang (malamang sa hindi na) tunay na motibo nila patahimikin ang kanilang mga kritiko, na kitilin ang freedom of expression ng mga ito.
Pwede ba nating i-isolate na tax evasion lamang, na sa dami ng ibang mga kumpanya na maaaring may paglabag din ay nagkataon na ang dalawang ito ang napili na kasuhan? Eh balita naman na si Duterte mismo ay noong kakaupo pa lang bilang presidente ng Pilipinas ay pinagbabantaan na ang ABS-CBN dahil sa atrasong pinersonal nito: dahil hindi raw pinalabas lahat ng kanyang campaign ads noong 2016 election? Pati ang Rappler na tinuring kritiko kuno ng administrasyong Duterte?
At copyright infringement lang ba ang isyu ni Raffy Tulfo kay Atty. Libayan, at hindi dahil consistent at effective na kritiko ng nauna itong huli?
Kasama ang ability to contextualize sa critical thinking.
Balita one: Ayon sa ating agricultural officials, maliban sa
inflation, ang pagtaas ng presyo ng sibuyas dito sa Pinas ay dahil sa kulang
ang local na produksyon nito, kaya kailangan na raw mag-import.
Balita two: Ayon naman sa Bureau of Customs, may naharang
silang 50,000 na kilong sibuyas na smuggled mula sa China nitong Disyembre
lamang.
Bale, habang nagkukulang daw sa produksyon ang ating
agricultural sector, ay tone-toneladang sibuyas din naman ang tinangkang ipuslit
papasok sa atin mula China. Kaya nakakapanghinala talaga itong isyu ng sibuyas at
dapat lang na maimbestigahan.
Kaya sa Pinas,
hindi ka lang maiiyak sa paghiwa ng sibuyas, kundi pati na rin sa kawalan at presyo
nito sa merkado!
+ + +
One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat!
Si Kongresman George Santos ay kaka-sworn in lang sa kongreso
ng Estados Unidos. Bale Amerikano siya at hindi Pilipino kaya hindi naman siya
pwedeng tumakbo sa kahit anong politikal na posisyon dito. Pero mapupulutan ng
aral ang kasalukuyang sitwasyon niya. Kakaupo pa lang pero pinagreresign na ng kanyang
mga constituents sa 3rd congressional district ng New York dahil sa
mga nabistong kasinungalingan at iba pang mga atraso. Graduate daw siya ng
Baruch College, eh hindi naman. Mga Hudyo raw ang kanyang mga magulang, eh
hindi rin naman pala. At may mga kaso pa sa pera tulad ng pagnanakaw, pag-iwas
sa pagbayad ng utang, at iba pa. Pero sakaling Pilipino siya at tatakbo dito sa
atin, manalo kaya? Makaupo kaya sa Malacanang sa 2028?
+ + +
One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat!
Wala
po akong ipapahayag na opinyon ukol sa guilt o innocence ni Juanito Jose Remulla III. Pero nabasa ko yung
desisyon ng korte, at kung susumahin, ay una, di RAW napatunayan na alam mismo
ni Juanito na siya ang recipient ng package ng marijuana, at pangalawa, may
lapses DAW ang PDEA sa chain of custody ng package. Ang masasabi ko lang ay
sanaol, na pati ang mga kaso ng mga mahihirap at low profile na suspek ay
mabigyan din ng mabilis na resolusyon, na mahusgahan din ng agaran kung
inosente ba sila o hindi. At mapalaya ang mga inosente nating kababayan.

Maligayang Pasko sa ating lahat. At okey na rin
yung ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni Hesu Kristo – ipinanganak man siya
noong ika-beinte singko ng Disyembre o hindi.“ Ngayon, banggitin lang natin ang
ibang mga dahilan kung bakit ipinanganak si Kristo sa mundo – maliban sa
iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ayon sa kanya mismo, sa Lucas
4:18-19,
Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin,sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga
mahihirap ang Magandang Balita.Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y
lalaya,at sa mga
bulag na sila'y makakakita.Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi.
Ayos ba?
+ + +
One-minute hirit lang po
dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong
ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa
bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat!
Ano ba itong Maharlika sobre-hin wealth fun na
minamadaling isabatas ng ating mga mambabatas? Pagkatapos nilang iratsada yung
bilyon-bilyong condifential fund ng DepEd, ito naman ang pinoproyekto nila
ngayon, ang Maharlika sovereign wealth fund.”
Pero sa inisyal na Php275 billion na kakailanganin
nito, eh mukhang bilyones ang manggagaling sa pension nating mga manggagawa: Php125 billion mula sa GSIS, tapos Php50
billion naman mula sa SSS.
Paano ang pagbantay sa
ponding ito? Eh exempted daw sa GOCC Governance Act, Government Procurement
Reform Act, and Competition Law.
At may representante kaya tayong mga empleyado sa board of
directors nito? Tsk-tsk.
+ + +
One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero
kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu
ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga
relevant na paksa. Salamat!