Tularan siya para may paglalagyan sila,
Anuman ang mga hamo’t balakid sa pakikibaka!
Pinapapatay siya sa mga ekspertong hitman.
Pinapatay nila ang kanyang mga kaibigan.
Pinapatay nila ang kanyang mga bebot.
Pero di siya natitinag sa kanyang misyon.
Ni lungkot o luha ay bakas sa mukha
Ni Bond, James Bond.
Tuloy ang kanyang laban para sagipin ang mundo!
(O ang Inglatera lamang?)
Espiya pero ilang beses nang nakipagbarilan!
Ganunma’y di pa rin nila bistado
Ang tunay niyang katauhan
Bilang lihim na ahente
Ng kanyang imperyalistang pamahalaan.
“Para sa ikauunlad ng bayan, si James Bond ay gayahin!”
Sigaw ni Jaime Bandong na magtataho sa amin.
No comments:
Post a Comment