Saturday, October 15, 2022

Ka Percy Lapid (March 14, 1959 - October 3, 2022): Tapang at Paninindigan!

 

The Source, CNN Philippines: Roy Mabasa and PCol. Restituto Archangel (10/6/22)

Overdue na po ito. Noong ika-8 pa ng Oktubre ko balak i-post itong transcription, ilang araw pagkatapos ng pagpaslang kay Percy Lapid (o Percival Mabasa), ang beteranong hard-hitting na broadcaster na paborito kong panoorin sa YouTube. Pero, siguro nga, kung ang kalungkutan ay mauudyok ang isang tao na magsulat, maaari rin itong maging sanhi ng panlulumo kaya di ka rin agad makapagsulat. Eniwey, ika nga, without further ado, ito ang aking transcription ng isang bahagi ng panayam ni Pinky Webb sa kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa sa programang The Source ng CNN noong ika-6 ng Oktubre, 2022:

Pinky Webb: In the family ba, Roy, was there ever a time that you told him, or his family told him, maghinay-hinay nang konti dahil baka masyado na siyang maraming tinatamaan?

Roy Mabasa:Hindi. Palagay ko yung family niya di siya masasabihan eh. Even I, as a brother, pwede kong sabihin sa kanya nang pabiro. Pero knowing Percy, yung conviction niya, I don’t think may makakaawat kay Percy because I remember, when we were starting in 1984, noong buhay pa ang father ko, sinabihan ng father ko ‘yan, because he was criticizing alam mo yung ibang officials na kaibigan ng tatay ko. So my father called me and asked me if I can stop Percy from, you know, attacking his, some of his friends. Ay ang problema, noong sinabi ko kay Percy yun, sabi sa akin ni Percy, 'Bayaan mo iyan, eh mga walanghiya naman iyan eh!' So how can I stop him? So he continued, you know, attacking those people. Which is . . . yun talaga si Percy Lapid eh. Nakakita siya ng malfeasance, misfeasance, or corruption, whatever it is, eh talagang bubulatlatin ni Ka Percy iyon. Siya ‘yan eh.

PW: Walang, wala siyang sinasanto?

RM: Wala, wala, You cannot stop him . . .

Ibinahagi ng kapatid ni Percy na si Roy na matagal nang may tapang at paninindigan si Ka Percy kontra sa mga abusadong opisyal ng ating bayan. At sa mga nagdaang dekada, walang patid ang kanyang walang takot na pamamahayag laban sa mga nakita niyang kamalian at abuso hanggang sa nakaraang administrasyong Duterte at sa kasalukuyang bagong panunungkulan sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Hustisya para kay Ka Percy Lapid! Respetuhin at ipagtanggol ang kalayaan sa pamamahayag!

 


No comments:

Post a Comment