Friday, October 21, 2022

Voltes V: “Ipinasiya kong italaga ang aking buhay sa pakikibaka . . ."

. . . upang mapalaya ang lahat ng mga alipin sa Boazania.” – General Watson* (7:36 – 7:42 nitong Episode 27 ng Voltes V sa YouTube channel na Anime Club)

“Hangga’t may inaapi at nang-aapi, hangga’t may pagtatanggi sa mga walang sungay na Boazanian, hindi tayo titigil sa pakikipaglaban.” – Dr. Armstrong* (8:07 – 8:15, at paliwanag: ang “mga (literal na) walang sungay na Boazanian” ay ang mga nakakababang uri, at ang mga may sungay ay ang, well, naghaharing uri.



(Imahe mula sa Episode 27 ng Voltes V, Anime Club YouTube channel. Mukhang ayaw ma-upload dito sa blog; paki-click na lang itong link.)

Ito kaya ang mga linyahan sa Voltes V kaya na-ban noon sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Marcos, Sr? Pero ispekulasyon lang na dahil daw seditious ang palabas, at ang isang totoong dahilan di umano ay ang nilalaman ng mech anime na seryeng ito na nagpapakita ng “excessive violence.” [1] (Bale ayaw yata ng rehimen ni Marcos, Sr. ng kompetisyon.)

Maiksi lang itong backgrounder at nakakatamad itong Sabado ng umaga:

Bale ang imperyong planetang Boazan ay nagmala-Estados Unidos/Inglatera, atbp. ng kalawakan at nagtrip sakupin ang ating planeta. May mga nangahas na pumalag: mga tao at mga walang sungay na Boazanian na sumisimpatya sa sangkatauhan, at sila'y nag-aalsa rin laban sa mga naghaharing uri ng planeta nila. At ang higanteng mandirigmang robot na si Voltes V ay  . . . joint intergalactic/inter-species project nating mga tao at ng extra-terrestrial na lahi ng mga Boazanian. And wait, there’s more: mga alien nga ang mga Boazanian pero biologically compatible tayo sa kanila kaya pwede tayong mga Earthlings na makipagtalik at magkaanak sa kanila.

(Ito ang part 1 ng Voltes V article ko, sa susunod na Sabado ang part 2, na may dalawang anekdota ng personal na karanasan ko, mula 1978 hanggang 1983, na may kaugnayan sa Voltes V.)

*Ginamit ko yung mga pangalan ng mga karakter na ginamit nang pinalabas dito sa Pilipinas ang Voltes V noong mga huling taon ng dekada 70/martial law. Siyempre, may mga orihinal na pangalan sila sa wikang Hapon.dding the affiliate link on your blog

Sanggunian

1. LET’S VOLT IN! Why did Voltes V get cancelled in 1979? Ni Neil Patrick Nepomuceno, Manila Bulletin, January 17, 2021.

adding the affiliate link on your blog

adding the affiliate link on your blog

Saturday, October 15, 2022

Ka Percy Lapid (March 14, 1959 - October 3, 2022): Tapang at Paninindigan!

 

The Source, CNN Philippines: Roy Mabasa and PCol. Restituto Archangel (10/6/22)

Overdue na po ito. Noong ika-8 pa ng Oktubre ko balak i-post itong transcription, ilang araw pagkatapos ng pagpaslang kay Percy Lapid (o Percival Mabasa), ang beteranong hard-hitting na broadcaster na paborito kong panoorin sa YouTube. Pero, siguro nga, kung ang kalungkutan ay mauudyok ang isang tao na magsulat, maaari rin itong maging sanhi ng panlulumo kaya di ka rin agad makapagsulat. Eniwey, ika nga, without further ado, ito ang aking transcription ng isang bahagi ng panayam ni Pinky Webb sa kapatid ni Percy Lapid na si Roy Mabasa sa programang The Source ng CNN noong ika-6 ng Oktubre, 2022:

Pinky Webb: In the family ba, Roy, was there ever a time that you told him, or his family told him, maghinay-hinay nang konti dahil baka masyado na siyang maraming tinatamaan?

Roy Mabasa:Hindi. Palagay ko yung family niya di siya masasabihan eh. Even I, as a brother, pwede kong sabihin sa kanya nang pabiro. Pero knowing Percy, yung conviction niya, I don’t think may makakaawat kay Percy because I remember, when we were starting in 1984, noong buhay pa ang father ko, sinabihan ng father ko ‘yan, because he was criticizing alam mo yung ibang officials na kaibigan ng tatay ko. So my father called me and asked me if I can stop Percy from, you know, attacking his, some of his friends. Ay ang problema, noong sinabi ko kay Percy yun, sabi sa akin ni Percy, 'Bayaan mo iyan, eh mga walanghiya naman iyan eh!' So how can I stop him? So he continued, you know, attacking those people. Which is . . . yun talaga si Percy Lapid eh. Nakakita siya ng malfeasance, misfeasance, or corruption, whatever it is, eh talagang bubulatlatin ni Ka Percy iyon. Siya ‘yan eh.

PW: Walang, wala siyang sinasanto?

RM: Wala, wala, You cannot stop him . . .

Ibinahagi ng kapatid ni Percy na si Roy na matagal nang may tapang at paninindigan si Ka Percy kontra sa mga abusadong opisyal ng ating bayan. At sa mga nagdaang dekada, walang patid ang kanyang walang takot na pamamahayag laban sa mga nakita niyang kamalian at abuso hanggang sa nakaraang administrasyong Duterte at sa kasalukuyang bagong panunungkulan sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Hustisya para kay Ka Percy Lapid! Respetuhin at ipagtanggol ang kalayaan sa pamamahayag!

 


Saturday, October 1, 2022

DugongBughaw: Isa sa mga Sinungaling at Red-baiting na Vlog na Nanloloko sa mga Pilipino

 Habang hindi pa suspendido o tuluyan nang tanggal sa YouTube:


Simula pa lang puro red-baiting at kasinungalingan na. Ito ang kanyang panimula:

Nabisto: Judge Marlo Malagar nabisto na kasabwat pala ni Joma Sison. Tuluyan nang tinanggalan ng lisenysa sa pagka-abogado ni DOJ Secretary Boying Remulla. Ito ay inamin mismo ni Judge Malagar na miyembro siya ng mga maka-kaliwang grupo tulad ng CPP-NPA-NDF

Ha?! KKK:

Kailan at paanong nabistong "kasabwat pala ni Joma Sison"? 

Kailan siya "tinanggalan ng lisensya sa pagka-abogado ni DOJ secretary"? 

Kailan inamin ni Malagar na "miyembro siya ng mga maka-kaliwang grupo"?

Tapos, magpapauto tayo sa mga vlog na ganito? Tsk-tsk. (Saka, DugongBughaw pala ang pangalan ng vlog, eh di lokohin na lang niya ang mga may dugong bughaw, at huwag ang masang Pilipino.)