Sunday, December 15, 2024

English Grammar for Filipinos: Ano ang mga pagkakaiba ng mga salitang Ingles sa past tense forms na Lay, Laid, Lain, at Lied?


Pwedeng panoorin ang aking maiksing bidyo sa YouTube sa taas, pero higit na mainam kung babasahin din ang teksto sa baba:


Lay: Ito po ang past tense ng lie na pag sinalin sa Filipino ay, "higa." At ito ay ginagawa sa sarili. Hal. sa present tense: Higa na ako. =  I will lie down already. Past tense: Humiga ako kagabi. = I lay down last night.

Laid: Ito naman ang past tense ng lie na pag sinalin sa Filipino ay, "hiniga." Bale ito ay ginagawa hindi sa sarili kundi sa ibang tao o bagay. Hal. Hiniga ko ang aking aso sa kama. = I laid my dog on the bed.

Lain: Ito ang past participle ng lie o higa. Hal. Mahigit isang oras nang nakahiga ang kuting sa sahig = The kitten has lain on the floor for more than an hour.

Lied: Nagsinungaling. Hal. Nagsinungaling ako tungkol sa kung nasaan ako kagabi = I lied about where I was last night.

Kaya base sa mga naunang halimbawa:

Maling isalin sa Ingles ang "Humiga siya sa kama kanina" bilang "He lied down in bed earlier." Ang tama ay, "He lay down in bed earlier." Kung lasing naman kaya binuhat' hiniga ng kanyang mga kaibigan sa kama, mali ang "His friends carried and lay him down on the bed." Mali rin ang, "His friends carried and lied him down on the bed. Ang tama ay, "His friends carried and laid him on the bed."

Sa pagtatapos, isang pagsalin ng isang buong talata, na sa Ingles ay gamit ang lay, laid, lain, at lied:

Nagsinungaling ako noong sinabi ko na nahiga at natulog ako ng maaga kagabi. Ang totoo ay hiniga ko ang manikin sa aking kama tapos tinakpan ko ng kumot. Pagkatapos, tumakas ako sa bintana at magdamag na naglaro ng tong-its sa lamay ng tatay ng kaibigan ko ngayo'y mga isang linggo nang nakahimlay sa kabaong.

I lied when I said that I lay down and slept early last night. The truth is I laid the mannequin on my bed then covered it with a blanket. Afterwards, I escaped through the window and played tong-its overnight at the wake of my friend's father who is lain in a casket for about a week now.

Ayos ba?  

Yung mga mahuhusay po sa balarila/grammar sa Filipino at English, feel free to comment and correct me po. Salamat! 


Tuesday, December 3, 2024

One Minute Hirit 26: “Flight is a sign of guilt": Pinalipad na ni Duterte ang Pilipinas palayo ng ICC!


Di ko na susuruin kung may extrajudicial confessions nga ba si Duterte sa Senado o Kongreso, at marami ng videos ang mga abogadong vloggers tungkol dyan. Flashback na muna tayo, or “throwback”, in modern parlance . . . #Duterte #dutertelegacy #quadcom #crimeagainsthumanity #internationalcriminalcourt #icc

One Minute Hirit 27: PBBM: Good Cop, Bad Cop Teknik Vs. Sara Duterte sa Impeachment?


One Minute Hirit 27: PBBM: Good Cop, Bad Cop Teknik Vs. Sara Duterte sa Impeachment?
"Mahirap talagang kalaban ang doble-kara . . . Kung magkasundo man ang dalawang kampon, este, kampo ng mga Marcos at Duterte, ito ay malamang para hapi-hapi lang ulit sila sa kanila-kanilang "raket" (to put it mildly) sa kaban ng bayan." #impeachment #impeachvpsara #bbm #martinromualdez #SaraDuterte