Saturday, September 3, 2022

August 1, 2023 Update: "Ang Pagbabalik ni Bantay" was published on Worm Moon Archive Vol. 2 on March 8, 2023 (but the Blogger Team disallows linking to that particular site)

 


Mula sa post ko sa Facebook nong ika-23 ng Nobyembre, 2019:

"Ang Pagbabalik ni Bantay"

Praktis pa...Twenty-five years na ang nakaraan noong naipasa ko ang talent test ng UP College of Fine Arts para sa kursong BFA in Painting. Na two years after kong gumradweyt bilang Most Outstanding Student in Visual Arts sa UPIS (at ipinasa ang UPCAT). Pero matagal na akong walang output sa larangan ng visual arts. Sa totoo lang, pangatlong drowing ko pa lang ito nitong taon, at sa mga nakaraang taon, ay wala talaga akong dinrowing (maliban sa mga pangako sa mga anak).

Mabuti na rin at nag-enroll ulit ako, ngayon sa 3rd cycle, ng programang Sertipika sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Filipino ng PUP. Offered ngayon ang subject na Graphic Literature/Komiks na tinuturo ni Sir Adam David, at ito po ang para sa pangalawang activity namin. Muling sumigla at mahasa pa sana kung ano pang natitirang kakayahan ko sa sining biswal. (Most Artistic and Creative din po ang taunang award ko sa UPIS mulang kinder hanggang grade 2. ðŸ˜‰ )

Update: Ikinwento ng aking 11 years old na si Kael, panel by panel, itong comics sa aming six years old na si Maleeha. Tama naman ang kanyang interpretasyon, kaya nga lang, sa huling panel daw ay, "...and he lived happily ever after".