Showing posts with label martial law. Show all posts
Showing posts with label martial law. Show all posts

Sunday, July 9, 2023

One-Minute Hirit 21: Isang Pagpupugay kay Amando Doronila, Magiting na M...


From Veteran newsman,author Amando Doronila; 95 By: Julie M. Aurelio, Philippine Daily Inquirer, July 9, 2023:

More than a decade ago, he already sensed the emerging challenges to newspapers from the internet.


“Newspapers today are flooded by social media stories from Facebook or Twitter which are hard to verify and authenticate,” said Doronila who served as chief editor of the Chronicle before it was shut down by Marcos and after Marcos was toppled.


“Cyberspace journalism gives us an oversupply of information from impressionable citizen journalists. And this Internet journalism poses a threat to the survival of the newspaper as a medium of information,” he said. 


Born on Feb. 6, 1928, in Dumangas, Iloilo, he began his career as a reporter and columnist for the Manila Bulletin and was a political columnist for the Daily Mirror from 1963 to 1972.


When Marcos imposed martial law in 1972, Doronila and other journalists like Luis Beltran and Maximo Soliven were arrested and detained.




Thursday, March 23, 2023

One-Minute Hirit 18: Sa Isyu ng Comfort Women, Nagturo Rin ang United Na...


"Move on"?! Matuto muna sa madilim na nakaraan -- at huwag baluktutin o pabanguhin ang mga naging atraso ng mga makapangyarihan! Never again!

“. . . as remembrance is critical to a sensitive understanding of the history of human rights violations endured by these women, to emphasize the importance of advancing human rights, and to avoid recurrence.” - UN Committee on the Elimination of Discrimination against Women

Saturday, February 4, 2023

One-Minute Hirit 13: Ang Pinoy Labor Migration sa Middle East na Sinimulan Noong Martial Law


Mula sa description box ng video:

Hustisya Para Kay Jullebee Ranara! “Tinitiis ang lungkot ng pagkawalay sa mga mahal sa buhay, basta lang makapagtrabaho at may maipadalang nakakabuhay. Yung nga lang, may mga ilan na umuuwi nang wala nang buhay pagkatapos pahirapan nang lubos tulad ni Jullebee Ranara” na isang nanay.

 

Saturday, November 19, 2022

Alpas: Short Film and Website Featuring My Poems

The following is a revision of my LinkedIn post earlier today:

First, congratulations to InnTechGreat, a group of Bachelor in Multimedia Arts students at FEU Institute of Technology for their successful final thesis defense recently. Secondly, thanks to them for choosing my poems as material for their thesis on how to promote Philippine poetry via multi-media arts.

And their thesis is Alpas, a 1) "live-action and hybrid animated short film showcasing the art of poetry" (again, "incidentally," my poems) and 2) an accompanying website of a collection of (more) poems from the same poet (and, again "incidentally," it's yours truly).



The film's current version, November 2022.

The film’s story is about “a young adult writer trying to overcome his past trauma through writing poems,” and weaves through my three previously published poems. Below are the poems and the respective times when each appears in the film, with links to the original pages where they were first published):



Screenshot of website's homepage.


The website features my politically-oriented poems – all previously published, with the exception of one, in literary magazines and/or my first full-length poetry collection, "Metro Manila Mammal" (Soma Publishing, 2018). Here's the link to the sole exception, Atty. Hermon C. Lagman:, a rhyming quatrain in Filipino that I wrote last September in time for the 50th anniversary of the declaration of martial law in the Philippines. It is about a prominent human rights abuse/enforced disappearance victim during that dark era under the late Philippine dictator Ferdinand Marcos.

The film can also be accessed through the website’s homepage.

And previously, I talked about this project in part 1 of my interview (October 3, 2022) with Thomas White for his poetry mini interviews blog.

Note: Both the film and the website are still works in progress. The panelists advised the students to make a few revisions on the film, and the website is still incomplete (a few credits are still missing, among others). Thank you and ever onwards for humanity – and poetry!

 

Friday, October 21, 2022

Voltes V: “Ipinasiya kong italaga ang aking buhay sa pakikibaka . . ."

. . . upang mapalaya ang lahat ng mga alipin sa Boazania.” – General Watson* (7:36 – 7:42 nitong Episode 27 ng Voltes V sa YouTube channel na Anime Club)

“Hangga’t may inaapi at nang-aapi, hangga’t may pagtatanggi sa mga walang sungay na Boazanian, hindi tayo titigil sa pakikipaglaban.” – Dr. Armstrong* (8:07 – 8:15, at paliwanag: ang “mga (literal na) walang sungay na Boazanian” ay ang mga nakakababang uri, at ang mga may sungay ay ang, well, naghaharing uri.



(Imahe mula sa Episode 27 ng Voltes V, Anime Club YouTube channel. Mukhang ayaw ma-upload dito sa blog; paki-click na lang itong link.)

Ito kaya ang mga linyahan sa Voltes V kaya na-ban noon sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Marcos, Sr? Pero ispekulasyon lang na dahil daw seditious ang palabas, at ang isang totoong dahilan di umano ay ang nilalaman ng mech anime na seryeng ito na nagpapakita ng “excessive violence.” [1] (Bale ayaw yata ng rehimen ni Marcos, Sr. ng kompetisyon.)

Maiksi lang itong backgrounder at nakakatamad itong Sabado ng umaga:

Bale ang imperyong planetang Boazan ay nagmala-Estados Unidos/Inglatera, atbp. ng kalawakan at nagtrip sakupin ang ating planeta. May mga nangahas na pumalag: mga tao at mga walang sungay na Boazanian na sumisimpatya sa sangkatauhan, at sila'y nag-aalsa rin laban sa mga naghaharing uri ng planeta nila. At ang higanteng mandirigmang robot na si Voltes V ay  . . . joint intergalactic/inter-species project nating mga tao at ng extra-terrestrial na lahi ng mga Boazanian. And wait, there’s more: mga alien nga ang mga Boazanian pero biologically compatible tayo sa kanila kaya pwede tayong mga Earthlings na makipagtalik at magkaanak sa kanila.

(Ito ang part 1 ng Voltes V article ko, sa susunod na Sabado ang part 2, na may dalawang anekdota ng personal na karanasan ko, mula 1978 hanggang 1983, na may kaugnayan sa Voltes V.)

*Ginamit ko yung mga pangalan ng mga karakter na ginamit nang pinalabas dito sa Pilipinas ang Voltes V noong mga huling taon ng dekada 70/martial law. Siyempre, may mga orihinal na pangalan sila sa wikang Hapon.dding the affiliate link on your blog

Sanggunian

1. LET’S VOLT IN! Why did Voltes V get cancelled in 1979? Ni Neil Patrick Nepomuceno, Manila Bulletin, January 17, 2021.

adding the affiliate link on your blog

adding the affiliate link on your blog

Monday, August 8, 2022

Walden Bello: Ang Kanyang Pagsusuri sa Resulta ng Pambansang Halalan 2022

Ang sumusunod ay ang aking transkripsyon ng maiksing bahagi lamang ng mensahe ni Dr. Walden Bello noong “PASASALAMAT AT PAGSULONG, Kasama ang mga kandidato ng PLM - Partido Lakas ng Masa” na ginanap sa University of the Philippines Hotel noong ika-2 ng Hulyo, 2022. (Ang mga salita/paglilinaw sa loob ng mga panaklong ay mula sa akin.) Ang video ng kaganapang ito ay mapapanood dito sa post ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) sa kanilang Facebook page, at mapapanood si Dr. Bello na isinasalaysay ang bahaging ito ng kanyang mensahe mulang 39:28 hanggang 4:55 ng video. – K.S.


(Itong litrato ay kuha ko noong “PASASALAMAT AT PAGSULONG, Kasama ang mga kandidato ng PLM - Partido Lakas ng Masa” noong ika-2 ng Hulyo sa UP Hotel. - KS)

And (the young) people react to what they feel, and not some memory of martial law that they did not have any experience of. Of course, nandito na rin yung pagkakamali ng educational system natin, na wala talagang nabigyan ng education (on martial law). Noong 2013, yun po yung first attempt to legislate education on martial law. Yun ho yung ipinasa namin, yung Marcos victims compensation act. Meron hong parte roon to tell the people, educate them around martial law and to make that concrete . . . 2013! Yun ho ang first attempt to legislate education around martial law. That was too late. So, ang punto ko lang ho rito, is (to) explain yung seduction of the electorate, yung success ng Marcos propaganda in the electorate, that can be explained mainly by the failure of the EDSA Republic to deliver on its promise of greater equality . . ."

Inaresto si Dr. Bello kahapon ng hapon, ika-9 ng Agosto, 2022, at heto ang panawagan ng Laban ng Masa para sa kanyang paglaya: 






Sunday, August 7, 2022

Pagsalin sa Filipino ng Bahagi ng Liham ni Ka Pepe Diokno sa Anak Niyang si Chel

Tinangka ko pong isalin mula sa orihinal na Ingles ang dalawang talata na bahagi ng liham ni Sen. Jose W. Diokno (ika-26 ng Pebrero, 1922 – ika-27 ng pebrero, 1987) sa kanyang anak na si Jose Manuel Tadeo "Chel" Icasiano Diokno noong Mayo, 1974. Mas kilala ngayon bilang Atty. Chel Diokno, siya ay edad labintatlo noong natanggap niya ang liham na sinulat ng kanyang ama na noo’y nasa ikalawang taon ng pagkakulong sa Fort Bonifacio sa ilalim ng batas militar (martial law).

Jose “Ka Pepe” W. Diokno (February 26, 1922 – February 27, 1987): makabayan, abogado, senador, kalihim ng katarungan, at bilanggong pulitikal noong batas militar. (Photo: public domain.)

Bakit ba dapat maging tapat kung makikinabang din naman sa pagiging di tapat? Bakit pa dapat maging patas kung di naman patas ang iba sa iyo? Bakit pa ipaglalaban ang iba kung di ka naman nila ipaglalaban—o kahit ang kanilang sarili? Bakit pa kailangang magkaroon ng sariling pag-iisip samantalang higit na mas madali ang hayaan na lamang ang iba na mag-isip para sa iyo? Bakit pa dapat magkaroon ng sariling pagpapasya samantalang mas iwas-gulo ang maging sunud-sunuran na lamang? Bakit kailangang maging mabuti samantalang para bang mas kaaya-aya ang maging masama?

Sa aking pananaw, ang sagot ay nasa kung ano ang kahulugan ng buhay para sa iyo. Kung ang ibig sabihin ng buhay ay ang pagkakaroon ng mga panandaliang kagalakan, pera, kasikatan, kapangyarihan, at seguridad, ay di mo na kailangan ang mga prinsipyo; ang tangi mong kailangan ay mga pamamaraan lamang. Sa katunayan, mas mainam pa ang kawalan ng prinsipyo; ang mga ito'y magiging sagabal lamang sa iyo. Ngunit kung sa kabilang banda, ang kahulugan ng buhay ay higit pa sa mga bagay na ito, kung ang kaligayahan ay mas matimbang pa kaysa sa panandaliang kagalakan, ang pagpapaunlad ng iyong mga kakayahan kaysa sa pag-ipon ng kayamanan, ang respeto kaysa katanyagan, ang tama kaysa kapangyarihan, ang kapayapaan ng kaluluwa kaysa seguridad; kung ang kamatayan ay hindi ang pagwawakas ng buhay kundi ang pagbabago nito, ay dapat kang maging totoo sa iyong sarili at sa Diyos, at sa pag-ibig at katotohanan, sa kabutihan at kagandahan, at sa katarungan at kalayaan na Kanyang mga pangalan din at ginawa Niyang bahagi ng ating likas na pagkatao.

Mga tala:

  1. Ang pinagkunan ng kwento at bahagi ng liham ay ang artikulong The inspiring letter Ka Pepe Diokno wrote to his 13-year old son Chel ni Jerome Gomez para sa ANCX, ika-26 ng Pebrero, 2022.
  2. Maraming salamat sa abogado/makata na si Atty. Argee Guevarra sa pagbahagi ng dalawang talata ng liham na ito sa poste niya sa Facebook noong ika-7 ng Agosto, 2022 – kaya ko naman natandaan itong mga bahagi ng liham na nabasa ko na rin dati.
  3. Ituring na “work in progress” ang aking pagsalin, kaya inaanyayahan ko ang mga komento’t suhestiyon ng mga kababayan nating mahuhusay sa Filipino. Sakaling gamitin ko ang inyong suhestiyon, bibigyan ko kayo ng kaukukang kredito sa artikulo. At, handa po sana tayong ipagtanggol ang ating mga suhestiyon.