Showing posts with label Voltes V. Show all posts
Showing posts with label Voltes V. Show all posts

Sunday, November 6, 2022

Si Voltes V at Ako: 1978 at 1983

Ituring natin na pagpapatuloy ito ng huling post ko na Voltes V: Ipinasiya kong italaga angaking buhay sa pakikibaka . . :



Anekdota 1

Kasabay ng kasikatan ng Voltes V ay ang pagsikat din ng theme song nito. Natatandaan ko noong nasa nursery ako noong 1978, ay mismo ang orihinal na Hapong bersyon nito ay kabisado at madalas awitin ng mga kaklase ko. At natatandaan ko rin na di ako nakakasabay sa kanila dahil malamang noon pa man ay makakalimutin na ako at mahinang magkabisado ng lyrics at iba pang mga bagay. At, maliban sa orihinal an bersyon nito, ay meron din itong English at Filipino na mga bersyon. (At ang huli ay nagtatapos sa, Walang biro, lagot kayo/ Pati na lolo n'yo!)

Isang hapon, pinaghiwahiwalay ang klase ng aming titser sa tatlong pangkat, at bawat isang grupo ay aawit ng kantang pambata – kanya-kanyang pili:

Unang grupo: Tatoe arashi ga hukou tomo . . . (Voltes V original version).

Pagkatapos, tinawag ni titser yung pangalawang grupo:

Pangalawang grupo: Though the storm should blow . . . (Voltes V English version).

Noong grupo na namin: Tatoe arashi . . .

Inawat na kami agad ni titser: Voltes V na naman?! Iba naman!

Grupo namin: The itsy bitsy spider crawled up the water spout . . .

 

Anekdota 2



Noong grade 2, unang bahagi ng 1983, isang umaga sinabi sa akin ni Mama na susunduin niya ako sa hapon pagkatapos ng school (UPIS - Katipunan Avenue) dahil manonood kami ng sine: Voltes V The Movie. Pero, noong bihis na ako at naghihintay sa school bus, binawi ni Mama; di na raw kami tuloy. Nagtampo ako at in denial. Pinilit kong paniwalain ang sarili na tuloy ang lakad namin ni Mama.

Noong sinundo ako ng school bus sa bahay namin sa Lagro, nagbilin ako sa drayber na huwag na akong sunduin mamayang hapon kasi nga susunduin ako ni Mama at may lakad kami. Pagkatapos ng school, hindi nga ako sumabay sa school bus at hinintay ko si Mama sa parking lot. Dumilim na, lagpas 6:00 PM na at ako na lang ang estudyante sa eskwelahan. Napansin ako ng school nurse at tinanong. Matigas pa rin ulo ko, “Susunduin po kasi ako ni Mama, eh.” Nag-alala na yung nurse at dinala ako sa klinik kung saan may telepono. Buti na lang, alam ko landline no. ni Mama sa NCBA – Aurora Blvd. kung saan siya nagtuturo noon. Yung nurse ang tumawag at pinasa sa akin ang telepono. Alalang-alala si Mama at galit nang kinausap ako, “Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa iyo! Di ba sabi ko nga sa iyo na di na tayo tuloy ngayong araw?!”

Wala pang kalahating oras ay nasundo na ako ni Mama, na may kasamang sermon palabas ng school premises, “Akala ko malinaw na kanina?!”

Yun naman pala, kaya niya binawi ang unang usapan naming ay napagpasyahan nila ni Papa na mag-date. Pero dahil andoon na ako, eh di kumain na kaming tatlo sa Tropical Hut – Cubao, pinanood ang Voltes V The Movie sa Ali Mall, at bumili pa ng souvenir na manga version ng Voltes V The Movie. Sa madaling salita, ako ang nagwagi.

(Ang tawag sa ginawa ko ay, "positive visualization.")

Friday, October 21, 2022

Voltes V: “Ipinasiya kong italaga ang aking buhay sa pakikibaka . . ."

. . . upang mapalaya ang lahat ng mga alipin sa Boazania.” – General Watson* (7:36 – 7:42 nitong Episode 27 ng Voltes V sa YouTube channel na Anime Club)

“Hangga’t may inaapi at nang-aapi, hangga’t may pagtatanggi sa mga walang sungay na Boazanian, hindi tayo titigil sa pakikipaglaban.” – Dr. Armstrong* (8:07 – 8:15, at paliwanag: ang “mga (literal na) walang sungay na Boazanian” ay ang mga nakakababang uri, at ang mga may sungay ay ang, well, naghaharing uri.



(Imahe mula sa Episode 27 ng Voltes V, Anime Club YouTube channel. Mukhang ayaw ma-upload dito sa blog; paki-click na lang itong link.)

Ito kaya ang mga linyahan sa Voltes V kaya na-ban noon sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Marcos, Sr? Pero ispekulasyon lang na dahil daw seditious ang palabas, at ang isang totoong dahilan di umano ay ang nilalaman ng mech anime na seryeng ito na nagpapakita ng “excessive violence.” [1] (Bale ayaw yata ng rehimen ni Marcos, Sr. ng kompetisyon.)

Maiksi lang itong backgrounder at nakakatamad itong Sabado ng umaga:

Bale ang imperyong planetang Boazan ay nagmala-Estados Unidos/Inglatera, atbp. ng kalawakan at nagtrip sakupin ang ating planeta. May mga nangahas na pumalag: mga tao at mga walang sungay na Boazanian na sumisimpatya sa sangkatauhan, at sila'y nag-aalsa rin laban sa mga naghaharing uri ng planeta nila. At ang higanteng mandirigmang robot na si Voltes V ay  . . . joint intergalactic/inter-species project nating mga tao at ng extra-terrestrial na lahi ng mga Boazanian. And wait, there’s more: mga alien nga ang mga Boazanian pero biologically compatible tayo sa kanila kaya pwede tayong mga Earthlings na makipagtalik at magkaanak sa kanila.

(Ito ang part 1 ng Voltes V article ko, sa susunod na Sabado ang part 2, na may dalawang anekdota ng personal na karanasan ko, mula 1978 hanggang 1983, na may kaugnayan sa Voltes V.)

*Ginamit ko yung mga pangalan ng mga karakter na ginamit nang pinalabas dito sa Pilipinas ang Voltes V noong mga huling taon ng dekada 70/martial law. Siyempre, may mga orihinal na pangalan sila sa wikang Hapon.dding the affiliate link on your blog

Sanggunian

1. LET’S VOLT IN! Why did Voltes V get cancelled in 1979? Ni Neil Patrick Nepomuceno, Manila Bulletin, January 17, 2021.

adding the affiliate link on your blog

adding the affiliate link on your blog