Friday, October 21, 2022

Voltes V: “Ipinasiya kong italaga ang aking buhay sa pakikibaka . . ."

. . . upang mapalaya ang lahat ng mga alipin sa Boazania.” – General Watson* (7:36 – 7:42 nitong Episode 27 ng Voltes V sa YouTube channel na Anime Club)

“Hangga’t may inaapi at nang-aapi, hangga’t may pagtatanggi sa mga walang sungay na Boazanian, hindi tayo titigil sa pakikipaglaban.” – Dr. Armstrong* (8:07 – 8:15, at paliwanag: ang “mga (literal na) walang sungay na Boazanian” ay ang mga nakakababang uri, at ang mga may sungay ay ang, well, naghaharing uri.



(Imahe mula sa Episode 27 ng Voltes V, Anime Club YouTube channel. Mukhang ayaw ma-upload dito sa blog; paki-click na lang itong link.)

Ito kaya ang mga linyahan sa Voltes V kaya na-ban noon sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Marcos, Sr? Pero ispekulasyon lang na dahil daw seditious ang palabas, at ang isang totoong dahilan di umano ay ang nilalaman ng mech anime na seryeng ito na nagpapakita ng “excessive violence.” [1] (Bale ayaw yata ng rehimen ni Marcos, Sr. ng kompetisyon.)

Maiksi lang itong backgrounder at nakakatamad itong Sabado ng umaga:

Bale ang imperyong planetang Boazan ay nagmala-Estados Unidos/Inglatera, atbp. ng kalawakan at nagtrip sakupin ang ating planeta. May mga nangahas na pumalag: mga tao at mga walang sungay na Boazanian na sumisimpatya sa sangkatauhan, at sila'y nag-aalsa rin laban sa mga naghaharing uri ng planeta nila. At ang higanteng mandirigmang robot na si Voltes V ay  . . . joint intergalactic/inter-species project nating mga tao at ng extra-terrestrial na lahi ng mga Boazanian. And wait, there’s more: mga alien nga ang mga Boazanian pero biologically compatible tayo sa kanila kaya pwede tayong mga Earthlings na makipagtalik at magkaanak sa kanila.

(Ito ang part 1 ng Voltes V article ko, sa susunod na Sabado ang part 2, na may dalawang anekdota ng personal na karanasan ko, mula 1978 hanggang 1983, na may kaugnayan sa Voltes V.)

*Ginamit ko yung mga pangalan ng mga karakter na ginamit nang pinalabas dito sa Pilipinas ang Voltes V noong mga huling taon ng dekada 70/martial law. Siyempre, may mga orihinal na pangalan sila sa wikang Hapon.dding the affiliate link on your blog

Sanggunian

1. LET’S VOLT IN! Why did Voltes V get cancelled in 1979? Ni Neil Patrick Nepomuceno, Manila Bulletin, January 17, 2021.

adding the affiliate link on your blog

adding the affiliate link on your blog

No comments:

Post a Comment