Showing posts with label Bible. Show all posts
Showing posts with label Bible. Show all posts

Saturday, January 14, 2023

One-Minute Hirit 2: Ipinanganak si Hesu Kristo Hindi Lamang Para Iligtas Tayo sa Ating Mga Kasalanan (Disyembre 24, 2022)

 



Maligayang Pasko sa ating lahat. At okey na rin yung ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni Hesu Kristo – ipinanganak man siya noong ika-beinte singko ng Disyembre o hindi.“ Ngayon, banggitin lang natin ang ibang mga dahilan kung bakit ipinanganak si Kristo sa mundo – maliban sa iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ayon sa kanya mismo, sa Lucas 4:18-19,

Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya, at sa mga bulag na sila'y makakakita. Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi.

Ayos ba?

+ + +

One-minute hirit lang po dahil tayo’y mga busy, pero kailangan pa ring mag-isip-isip at magtanong-tanong ukol sa sámot-sarìng isyu ng ating lipunan! At least one video per week sa bagong serye na ito, sa mga relevant na paksa. Salamat! 



Friday, August 12, 2022

Panahon pa ni Noe ay may mga trolls na

 

Noah's Ark ni Edward Hicks, 1846 (public domain).

Ang hindi naisulat sa Bibliya, sa Lumang Tipan, ay matagal nang may mga trolls. (At may Internet, PC, laptop, smartphone, atbp. na noon.)

Sa katunayan, si Noe ang pinakaunang biktima ng cyberbullying. Noong nagtweet siya na pinagagawa siya ng Diyos ng arko dahil nga magdedelubyo, mabilis ang pile up ng mga online attacks sa kanya ng mga bayaran at/o utoutong mga trolls, vloggers, at iba pang mga personalidad sa social media. Ang mga online na reaksyon: “Lutang! Fake news! Komunista!” (Para balanse, binanatan din siya ng mga progresibo: kinuwestiyon kung bakit daw puro hetero lang ang mga pares ng mga hayop na papapasukin niya sa arko.)

Eniwey, flash flood forward tayo: Eh nabuo na nga ni Noe yung arko at bumaha lagpas Mt. Everest. Kaya natigil ang pag-iinternet sa buong mundo kasi nga nawalan na ng kuryente. Kaya natahimik na muna ang mga trolls, at ang tanging narinig na lang sa kanilang mga bibig ay, “blub, blub, blub, blub . . .”

(Pero ayon sa Bagong Tipan ay nagbalik sila, noong ipapako na si Kristo.)