Saturday, November 8, 2025

Pagsalin sa Filipino para sa Pilipino: For Emily, Whenever I May Find Her ng Simon & Garfunkel

 


Para Kay Emily, Kung Kailan Ko Man Siya Matagpuan 

O ano ito’ng aking napanaginipan?

Nakaipit sa organdi

Bihis ng mausok na tinalabáng krinolin

Malumanay pa sa ulan

 

Nilibot ko ang mga bakanteng kalsada

Dinaanan ang mga bukas na tindahan

Narinig ang mga kampana ng katedral

Nagkakandatisod sa mga eskinita

Habang ako’y patuloy sa paglalakad

 

At nang tumakbo ka patungo sa akin

Mga pisngi’y pinatingkad ng gabi

Naglakad tayo sa mga mahamog na parang

Ng mga santan at ilaw ng gasera

Hinawakan ko ang iyong kamay

 

At nang ako’y magising at maramdaman kitang

mainit at malapit

Hinagkan ko ang iyong buhok na mahalimuyak

Ng aking mga luhang lubos na nagpapasalamat

Ah mahal kita, dilag

Ah mahal kita

No comments:

Post a Comment