Friday, January 19, 2024

Ang Hinaing ng Nanalo sa Lotto

 


"Ano ngayon kung wala akong anino?! Pilipino pa rin ako! Kahit silipin niyo pa ang birth certificate at voter's ID ko! May karapatan din akong yumaman at manalo nito!" giit niya. At pagkatapos niyang kamayan ang opisyal sabay klik ng kamera ng photographer, daglian siyang nag-anyong pusa at lumundag palabas ng bintana ng opisinang dinayo niya, kagat-kagat ang tseke.



No comments:

Post a Comment