Friday, August 5, 2022

JM De Guzman: Paano siya nagsimula sa showbiz?

Noong 2014 ay pinabigyan ako ni JM De Guzman, ang mahusay at award-winning na aktor, na makapanayam ko siya sa aking bahay mismo* para sa interview article ko na inasayn sa akin bilang bagong manunulat noon ng Puso ng Pamilyang Pilipino. Heto ang link sa article na JM De Guzman, as a Comback Kid.

(Si JM sa sala namin noong panayam, kasama ang anak ko na inaanak niya na si Mikael Fedor. Pasikat ko na rin: painting ko yung nasa likod nila, nilikha ko noong estudyante pa ako ng College of Fine Arts ng UP Diliman noong SY 1993-94.)

 Ang sumusunod ay mga bahagi ng article; quoted verbatim ang mga sinabi ni JM mismo. (At sa mga nagtataka, Taglish daw ang gamitin ko sa pagsulat sabi ng editor ko noon, hehe.)

Nag-start ako mag-commercials six years old, nag-start ako mag-Ang TV mga 13 to 14 years oldJM recalls.

Sa kanyang freshman year sa UP Diliman, he was already in the acting field. He chose Theater Arts as his course in college.

Habang nagre-rehearse para sa isang musical, pinag-audition ng kanilang director at propesor na si Alexander Cortes ang lahat ng mga male actors sa Pintakasi, isang indie film. Balik-tanaw ni JM,

Nangangailangan daw kasi siya ng theater actors. At first, may feeling ako na hindi pa ako ready, medyo mababa pa ang tingin ko sa sarili ko.

It took one week for JM to audition.

Heartbroken ako noon sa acting career ko, kasi walang nangyari. May feeling ako na ayaw ko na, na ayaw ko nang ma-reject ulit, paliwanag niya. So noong pumunta ako doon, bahala na. Wala namang mawawala. Awa ng Diyos, pinabalik ako. Actually noong audition, nagulat ako at pini-pair na ako sa ibat iba, hindi ako pinapaalis. May feeling ako na gusto ako. Kasi yung iba, pinapauwi na (laughs).

Para kay JM, big break ang kanyang first major role. Top billing at yung pangalan ko sa poster. 

Never pang nangyari sa akin yun. From there, doon ako nahubog sa indie films. Kasi yung freedom tapos kumikita ka pa.

*Actually, sa dating bahay ko kasi bahay ng mga magulang ko iyon na nilisan ko na noong nag-asawa na ako noong 2004.

 

 

No comments:

Post a Comment