When I do it, know that I didn’t mean to leave.
It’s just that the chemicals within
work in mysterious and dangerous ways.
When I do it, know that I didn’t mean to leave.
It’s just that the chemicals within
work in mysterious and dangerous ways.
Tularan siya para may paglalagyan sila,
Anuman ang mga hamo’t balakid sa pakikibaka!
Pinapapatay siya sa mga ekspertong hitman.
Pinapatay nila ang kanyang mga kaibigan.
Pinapatay nila ang kanyang mga bebot.
Pero di siya natitinag sa kanyang misyon.
Ni lungkot o luha ay bakas sa mukha
Ni Bond, James Bond.
Tuloy ang kanyang laban para sagipin ang mundo!
(O ang Inglatera lamang?)
Espiya pero ilang beses nang nakipagbarilan!
Ganunma’y di pa rin nila bistado
Ang tunay niyang katauhan
Bilang lihim na ahente
Ng kanyang imperyalistang pamahalaan.
“Para sa ikauunlad ng bayan, si James Bond ay gayahin!”
Sigaw ni Jaime Bandong na magtataho sa amin.
Para Kay Emily, Kung Kailan Ko Man Siya Matagpuan
O ano ito’ng aking napanaginipan?
Nakaipit sa organdi
Bihis ng mausok na tinalabáng krinolin
Malumanay pa sa ulan
Nilibot ko ang mga bakanteng kalsada
Dinaanan ang mga bukas na tindahan
Narinig ang mga kampana ng katedral
Nagkakandatisod sa mga eskinita
Habang ako’y patuloy sa paglalakad
At nang tumakbo ka patungo sa akin
Mga pisngi’y pinatingkad ng gabi
Naglakad tayo sa mga mahamog na parang
Ng mga santan at ilaw ng gasera
Hinawakan ko ang iyong kamay
At nang ako’y magising at maramdaman kitang
mainit at malapit
Hinagkan ko ang iyong buhok na mahalimuyak
Ng aking mga luhang lubos na nagpapasalamat
Ah mahal kita, dilag
Ah mahal kita
There's now an AI Overview entry on my published political poetry collection, "Datuterte: Imagined Confessions, 2025!" So I guess it's gaining some traction online ... Here's the link to the FREE online collection, published by the International Human Rights Art Movement (IHRAM).
Ngayo’y sumasabog, nag-uumapaw,
Ang aking puso’t diwa sa kaligayahan.
Kaya bumubuwelo na rin ako sa bwelta,
Sa hagupit, ng paparating na kalungkutan.

So for the record, the song "Die With A Smile" was sung best by two Filipino-Americans:
1. the original version by Bruno Mars w/ Lady Gaga ...
and 2. the rendition by Jessica Sanchez in the finals of America's Got Talent 2025.
Just sayin.' 👍
tayo
magkayakap,
sa himpapawid
lumipad, sumirit
bulalakaw,
sa kalawakan,
bumulusok.
nagbanggaan!
pero ito ang nawasak,
at di tayo.
ni di tayo nagalusan.
at ito pa ang napaso,
di tayo.
(paano pang papasuin
ang dalawang
sa simula’t sapul
nagliliyab?)